Occasional Girlfriend

Entries in category "IT World II"

April 21st, 2012

ENVIOUS...

Pakiramdam ko wala talaga akong satisfaction sa relasyon ko ngayon... Kase everytime na nakikita ko ang mga pictures ni Tutubi at pare sa fb, naiinggit ako...

Naiisip ko, sana ako na lang yun kasama ni Tutubi...

Pero kadalasan...

Sana kami din ni Cinderella, makapag- out of town man lang...

Di naman sa nagiging mapaghanap ako pero kahit man lang swimming sa Pansol, hindi namin magawa... o kaya pumunta sa Baguio...

Nakakatamad lang... Puro sine at mall lang napupuntahan namin...

Haaysss...

Posted by omiko at 06:26 AM in IT World II | 2 natalisod

April 11th, 2012

KAPAG WALA ANG PUSA...

... naglalaro ang mga daga!...

Tama bang ihalintulad sa pusa at daga ang mga pangyayari?... HAHAHA... Wala lang naisip ko lang na parang ganun na nga ang ginawa namin last weekend...

Naniniwala ba kayo sa ONE GREAT LOVE?... Yun tipong kahit hindi kayo magkatuluyan mananatili kayon importante sa isa't isa...

Ako, parang gusto ko nang maniwala...

Black Saturday: Nagkita uli kami ni Tutubi... Kumain lang ng breakfast sa Jollibee malapit sa bahay namin... Nababad-trip na naman kase ako kay Cinderella... Sabi ko nga sa kanya, nararamdaman ko na ngayon yun dati nyan nararamdaman sa relasyon nila ni pare... Yun tipong walang tiwala palagi... parang palagi may kailangan patunayan... Kaya napasugod sa amin si Tutubi... Pero sa totoo lang, kasalanan din naman namin ni Tutubi yun... Nakialam na naman kase ng CP ko si Cinderella at nabasa nya yun text ni Tutubi na magkita kami... Nagpapasama mag-ukay ukay... Tamang duda na naman... Nakikipaghiwalay na naman dahil pagod na pagod na daw sya... Kahit ayaw nyang aminin, alam kong nagseselos sya kay Tutubi... Naiinis naman ako dahil hindi nya mainitindihan na more than our past, magkaibigan kami ni Tutubi at natural lang sa magkaibigan na magtext at magpasama ang isa sa isa...

Meron nga kaseng mga bagay na nae-enjoy namin ni Tutubi na kaming dalawa ang magkasama at hindi yung mga partners namin...

So yun na nga, habang natutulog si Cinderella sa office, magkasama kami ni Tutubi magbreakfast... Wala rin kase yung pare nya... Nag holy week sa HongKong... (Sya na ang mayaman!) On purpose daw talaga na hindi nag-VL si Tutubi para hindi makasama... (Naalala ko tuloy yung lumang kanta... "Even lovers need a holiday from far away from each other...") Kwentuhan... Kung anu ano lang... Pagkatapos kumain, nagdessert pa kami ng Magnum... Sagot nya lahat... Hehe... Wala lang... Kinakabahan pa nga ako kase madalas din na sa Jollibee na yun kumakain si Cinderella... Eh panu kung biglang naisipan nun na umuwwi kaagad at kumain sa Jollibee... Patay kang bata ka!... Hahaha... Tapos lakad lakad kami ni Tutubi sa street dun sa amin na parang walang pakiaalam kung makita ni Cinderella... Tapos inaasar pa nya ako... Ayaw pa umuwi agad... Baliw lang... Pero umuwi din naman sya at napagkasunduan na mag-ukay ukay na lang kami ng Sunday.

Pagkauwi ni Cinderella sa bahay, nakipaghiwalay na ng tuluyan... Pumayag na rin ako dahil napapagod na rin ako sa nangyayari... Umalis din kaagad sya para pumasok... Natulog uli ako at pagkagising eh nagsumbong kay Tutubi... Umiyak pa nga ako... Baliw daw ako, dapat daw makipagbalikan ako...

Easter Sunday: Umuwi kaagad si Cinderella after 5PM - 2AM shift nya... Naabutan pa nya yung magnanakaw na umakyat sa 3rd floor ng inuupahan namin... Buti hindi sya sinaktan at tumakbo rin kaagad pababa yun magnanakaw... At dahil sa magnanakaw, nagkabati uli kami ni Cinderella... Sinabi ko kay Tutubi... Tapos di na nagreply... Baliw lang... Eh dapat nga may lakad kami...

Pagkaalis ni Cinderella papasok sa office, nag-ayos na rin ako at nakipagkita pa rin kay Tutubi... Hindi na kami natuloy mag-ukay ukay dahil hapon na masyado... Eh gusto pa naman nun kapag nag-uukay ukay kami mahaba ang oras dahil yun special place na pinupuntahan namin eh 5 storey building yata na puro ukay ukay... Ending, sa Megamall na lang kami nag-ikot... Sinamahan ko sya bumili ng pants sa penshoppe... At sa akin pa sya humingi ng idea kung anong design ng bag ang maganda bilhin para sa pare nya... Pumunta kami ng girbaud... Ako naman si pili... Yun pinili ko eh yung bag na gusto ko if ako ang bibigyan... Tapos nagulat ako dahil pinapili nya ako ng wallet... Bibilhan daw nya ako... Nahiya ako nung una pero ako pa ba ang choosy eh sya ang nag-insist... Isipin ko na lang daw na gift nya sa akin yun last Christmas... Eh binigyan na nga nya ako ng Dora stuff toy nun... (Dora kase tawag sa'kin nun mga tao sa dati kong company kung saan kami nagkasama.) Ayun, ending may bag si pare at may bago akong wallet... Ang problema ko, hindi ko alam kung paano ko gagamitin dahil magtatanong si Cinderella kung saan ko nakuha yun or kailan ko binili eh hindi pa naman pay day at wala rin akong budget pambili nun... Tapos kumain kami... Treat ko na... kakahiya naman... Hehehe... More usap... Buti nga daw at kasama nya ako pumili ngbag kase wala daw sense of fashion itong si pare nya... Nung nakilala daw nya yun, mukhang teacher... Pangit pumorma... Sya pa nga daw nag-suggest na ganito at ganyan ang isuot... Mag-nail polish dahil maganda naman ang kuko... Maglagay ng concealer dahil kitang kita ang eye bags at magpa-braces dahil panget yung teeth nya sa unahan... Natawa nga ako kase nakita ko nga na naka-braces na yun ngipin ni pare dn sa mga recent pics nila sa fb ni Tutubi... Now I know kung bakit napansin nya ako dati... Hindi man ako matangkad pero ayos ako pumorma nun... Lagi maayos... May light make up at naka-braces... Hahaha... Tapos ngayon naman ako ang pinipilit ni Cinderella na wag mag-make up... Wag bumili ng mga sleeveless at blouse na fit or medyo mababa ang neck line... Kakaiba... Somehow, dun sila nagkapareho ni Cinderella... Pareho nila kaming gustong mag-transfrom sa mga babaeng gusto nila... Eh bakit hindi na lang kaya magpalit?... Si pare na lang kay Cinderella at ako kay Tutubi?... Para wala nang kailangan baguhin... Weird!... Hahaha...

Kinabahan pa ako ng bongga dahil bigla na lang tumawag si Cinderella habang nakikipagkulitan kami dun sa representative sa booth ng Cleverbuy. Pakiramdam ko nandun din si Cinderella sa Megamall... Hindi imposible dahil sa One San Miguel lang ang bago naming office... Lakas talaga ng loob namin... Hindi ko na lang sinagot... Hahaha... Tapos more kwento... Naghanap din sya ng shoes at may nakakita pa sa amin na teammate namin dati sa previous company ko... Kilala pa naman kami nun... Tsk!... Risky talaga... Sabi pa ni Tutubi, akala nya hindi na kami matutuloy dahil nagkaayos na nga kami ni Cinderella... Pero natuloy naman... Magsasara na yun mall nun naisipan namin umuwi ni Tutubi... Hindi na naman uli tumawag si Cinderella...

Bakit ganun?... Parang ang simple simple lang ng buhay kapag kami ni Tutubi ang magkasama?... Walang init ng ulo... Kahit matagal syang naghintay sa pagdating hindi sya nagalit... Kahit matagal ako magdecide kung ano pagkain bibilhin ko, okay lang sa kanya... Kahit magkaibang store ang bibilhan namin okay lang... May freedom of expression ako... May freedom of choice... Bakit ba hindi ko maramdaman kay Cinderella to?... Don't get me wrong, mahal ko si Cinderella... Umiiyak ako everytime na nag-aaway kami... Ayoko na maghiwalay kami pero given the chance na maghiwalay si Tutubi at si pare at balikan nya ako baka piliin ko pa rin siguro si Tutubi... Ang sama ko... Isang taon at limang buwan na kami magkasama ni Cinderella pero parang kaya ko pa rin syang ipagpalit... Pero mahal ko sya... Bukod kay Tutubi, sya lang naiisip kong gusto kong kasama tumanda... Kahit nagger sya... kahit ayaw nya sa mabagal na kilos ko... kahit ako ang pinakapanget sa lahat n naging jowa nya... Haays... Kung matatanggap lang sana ni Cinderella ang mga flaws ko, mas simple siguro ang buhay...

Masaya talaga ako... After all those things that had happened between me and Tutubi we still remain friends... Special friends... Nagkakaintindihan na kami dun... Napapag-usapan namin yung nakaraan ng walang bitterness... Nalampasan namin yun stage na akala namin pareho na kaming mawawala sa isa't isa... We choose Friendship over Love para magtagal... Ngayon, nasasabi nya yung mga problema nila ni pare sa akin at ang mga problema ko kay Cinderella...

Pero minsan may mga what if's pa rin akong naiisip...

Sa ngayon, okay na uli kami ni Cinderella... (Sana tuloy tuloy na.) Nanoood na kami ng Hunger Games at sinamahan ko sya pumili ng shoes sa Payless Galeria... Lilipat na kami ng bagong apartment sa Pasig...

At... 

Nagpasalamat si Tutubi sa akin dahil nagustuhan ni pare yung bag na pinili ko... Pero hindi ko pa rin magamit-gamit yung wallet na binili nya sa akin...

Buhay!...

Yan ang nangyari sa Holy week ko...

Next week, I'll try go home to Tagaytay and deal with my mom... Mahaba habang paliwanagan to... She just have a change of heart... Hindi na daw sya pabor sa pagiging Lesbian ko at gusto nya ng apo... Haays...

 

Posted by omiko at 06:46 AM in IT World, IT World II | 2 natalisod

December 30th, 2011

SHOOT or SHIT???...

I think I was decieved...

Pakiramdam ko ang bobo ko naman... Pagdating talaga sa mga lalake wala na yata akong alam... Ang hirap nilang basahin... O talagang ganun lang talaga sya... At kapag nagkaton, sya ang kauna-unahang lalake na nagustuhan ko na sobrang pagsisisihan ko... Hahaha... Tsk!... Parang di na ako natututo...

Eto lang masasbi ko: Hoy!... Ibalik mo sa'kin yun ipinahiram ko sa'yo bago ka mag-NCNS o pumunta sa buwan!... Hiram yun hindi bigay!...

Nag-away na naman kami ni Cinderella... Ang pinakanakakainis na part, paskong pasko nag-away kami... Sa panonood pa lang ng sine nag-walk out na ako pero natuloy pa rin ang panonood dahil pinilit ko sya... Sayang ang ticket... Pucha!... Napapamura talaga ako kase napaiyak ako sa food court nun mall dahil sa sobrang frustration!... Mukha akong tanga dun, paskong pasko umiiyak... Tapos nun gabi akala ko okay n pero biglang nag-text yun boyfriend ng barkada ko nun college... Nawalan daw ng wallet yun friend ko at hindi mapupuntahan nitong si bf... Wala daw pamasahe pauwi kaya nagpapatulong... Sakto naman na malapit lang ako sa place kung nasaan sya so pinuntahan ko... Ayaw naman pumayag nitong si Cinderella... Naisip ko, may utang na loob ako nun college dun sa kaibigan ko na yun, tsak nakakaawa naman kung wala tala syang pamasahe... Cainta pa uuwi yun at sobrang layo nun... Hinanap ko sya... At ang ending, nag-walk out si Cinderella... Badtrip!... Iniwanan nya ako mag-isa to think na gabing gabi na at maraming masamang loob na namamasko ng mga pinaghirapan mo... Hindi ko naman nakita yun friend ko... Di ko rin naman ma-contact na kase dead bat na at hindi rin alam nun bf nya yun exact location nun friend ko... Pag-uwi sa bahay nauna lang ako ng konti tapos dumating na din sya... Hay, nag-alsa balutan na naman... Di ko matiis... Nagsisigaw talaga ako at umiyak ng malakas sa sobrang frustration at sama ng loob... Para akong baliw kase sumisigaw ako na parang batang nagtatantrums, pumapadyak ang paa at wala akong pakiaalm kung marinig ng iba yun pagpalahaw ko... Basta ang alam ko kailangan ko ilabas yun dahil parang sasabog ako sa sobrang badtrip kung hindi ko gagawin yon... Tapos hindi naman sya umalis... Natakot yata... Sinusuntok ko na nga yung dingding sa sobrang badtrip...

Haaysss... Hindi ko alam na ganun pala ako magalit... Ang sakit pa nga rin hanggang ngayon ng daliri ko kase nasugatan sa kakasuntok ko sa dingding... Violente na ba ako?... Parang nakakatakot yata yung reaction ko...

Nagkabati naman kami... Eto magkasama pa rin...

Good or Bad?...

Happy New Year everyone!...



Posted by omiko at 08:02 AM in MGA LALAKE, IT World II | 1 natalisod

September 16th, 2011

TWIST...

I already passed my resignation letter... Kakalungkot... This is it!... Hanggang September 30th na lang ako sa company...

Bati na kami ni Cinderella... Umiyak pa sya at nag-sorry... Dinalahan pa ako ng favorite kong sushi from Duri... Sweet!...

Kanina pinuntahan ako ni Brit sa station ko... Out na sya ng 8pm to 5qm shift nya... Waaah... Nagulat ako kase kasama nya si Tutubi... Nataranta akooooo... Ewan... I'm just happy kase nakasuporta din sya sa akin... Alam kase ni Tutubi na malungkot ako ngayon... Parang instant mami!... nawala asar ko sa sobrang queue ng calls namin... After my shift, nagkape muna kami sa Starbucks at nagkwentuhan... The usual, sakit na naman ng tyan namin kakatawa... Lakas pa naman tumawa ni Brit... Si Tutubi kase, sobrang makapagkwento... Parang adik lang... Haha...  Sabay din kami umuwi ni Tutubi... Si brit naman, umuwi na kasabay ng bf nya... I thanked her kase alam na alam nya kung ano at sino ang magpapasaya sa akin during the lowest days of my life...

Kwentuhan uli sa jeep... Di talaga kami nauubusan ng kwento... I missed her... Kwentuhan ng kung anu ano, kahit si pare nya at si Cinderella ko pinagkukuwentuhan namin... Nagalit na naman nga si pare sa kanya dahil hindi agad sya umuwi... Haha... Dapat kase uuwi na sya agad dahil out na rin sya ng 5am pero pinilit sya ni Brit na hintayin ako hanggang 7am... Tapos syempre nilambing ko muna sya na magkape muna kami bago umuwi... 9:30 na yata kami nakauwi... Hahaha... Inarte mode na naman ang pare nya... Di na daw nagre-reply sa kanya... Ayan na naman yung pakiram dam ko na mas pinili ako ni Tutubi ngayong araw na ito kesa kay pare... Ewan... Winning moments ko na ang mga ganitong pagkakataon...

Magkatext pa kami ng konting oras pagkauwi ko... Tulog pa kase si Cinderella... Di ko alam pero pagdating sa kanya, hindi ako nahihiyang sabihin na mami-miss ko sya... Na nalulungkot ako kase hindi na kami magkasama sa iisang company... Na mahirap na syang puntahan whenever I want to see her... Sabi naman nya, magtetext pa rin daw ako sa kanya at sana magkita pa rin kami kapag may time at pwede... Basta, may kaunting drama pa kami kanina... Oh well, some things will never change...

May kaunting twist sa resignation ko... Naka-text ko kase yung isang TL na friend ko from my previous account... Nagulat sya na nagpasa na ako ng resignation letter ko... Pinapa-retract nya at tutulungan daw nya akong kausapin yun Ops Manager nun account ko dati para makapag-transfer ako pabalik... Let's see what will happen... Isusulat ko agad yun dito...

Crossing my fingers... Ito na siguro ang pinakamagandang birthday gift sa akin ni TLT at ni Lord if ever... IKAW na po ang bahala...

 

Posted by omiko at 05:28 PM in TRABAHO, IT World, IT World II | dumaan

September 15th, 2011

LOSING IT...

I will pass my resignation letter later this evening... Yes... Mawawalan na ako ng trabaho...

Kinausap ako ni TL... Sabi kase ng HR kailangan maipasa ko ang 3 months na ibibigay nila sa akin... Pero hindi pwedeng mag-resign... Kung babagsak ako or magreresign within that 3 months, hindi na pwede... Gagana na yung so called Termination process nila... Then I made  my decision, magreresign na lang ako kesa naman materminate ako dahil wala na talaga akong balak magtagal sa account na yun... Ang balak ko sana, maghanap muna ng ibang work then I will resign within that 3 months pero all of a sudden nag-iba...

Sobrang depressed ko... Hindi dahil aalis ako sa account na yun pero dahil magreresign na ako... Sabi nga ni Reielle, di na kami bumabata, pakiramdam ko isa akong malaking loser ngayon.. Nawala yun sense of pride ko... Dati kase ako yung umaayaw sa company o sa trabaho pro ngayon I am forced to resign... Haaaaysss.....

Maiiwan ko na si Tutubi... Ayaw nga sana nya akong mag-resign eh... Tsaka si Brit, ang aking mabait na bff sa company... Haaaayssss....

Tapos depressed na nga ako, ngayon pa ako inaaway ni Cinderella... Lalo tuloy akong nadedepress.. Down na nga ako dinadagdagan pa nya... Di ko alam bakit ba pakiramdam ko eh feelings lang nya inaalala nya... Most of the time nagagalit sya sa akin... Kahit maliit na bagay lang magagalit sya... Ewan ko... Lately, nagiging over sensitive sya... Kung kailan naman hindi na issue sa amin si Tutubi...

Tapos Kagabi di ko talaga napigilan ang mapaiyak... Nag-log out kase ako sandali to go to the washroom... Nag-check na rin ako ng text msgs ko... Sabi nya sa message nya, kapag nakakita na daw sya ng trabaho, aalis na daw sya sa bahay... Dyosko.... Bakit kailangan pa nyang dumagdag sa sama ng loob ko... Sinabihan ko tuloy sya na okay lng kung umalis sya... Yun naman ang matagal na nyang gusto... Everytime na lang na meron kaming misunderstanding, palagi syang nagbabanta na aalis o kaya mag-aalsa balutan talaga at kunghindi pa nya ako makikitang hindi na makahinga sa kakaiyak, hindi pa magbabago ang isip nya... Pero iba ngayon, papabayaan ko talaga syang umalis... Nawawalan na akong ng pasensya... Ewan...

Nakakalungkot lang na instead na sa kanya ako makakuha ng suporta, sa ibang tao ko pa nararamdaman yun...

Posted by omiko at 10:52 AM in TRABAHO, IT World II | dumaan

« Newer · »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links